ang nationalismo ay hindi lamang sa boxing

March 16th, 2008 by budidey24

yes, i’m back. (as if anybody cares?)

hindi rin ako nakatagal, parang kelangan ko ata kasi ng paglalabasan ng iniisip kapag walang kausap.

****

kanina, naglalakad ako pauwi galing CP para magsauli ng iilan sa mga sandamukal kong glassware deficiencies. traffic. nung nagaantay ako sa may kanto para magbago yung kulay ng stoplight, may sumisigaw dun sa katabi kong jeep. yung driver, sinisigawan yung nagtitinda ng yosi-kendi na kailangan daw ng pasahero nya ng lighter. pagtingin ko sa pasahero, foreigner pala, tapos yun winawasiwas nya yung yosi nya para masindihan.

may tindero ng pinya malapit dun sa kinatatayuan ko, sumigaw "pababain mo na lang yan para masindihan!"

"magbabayad ito!" sigaw ng driver ng jeep "P10 isang sindi ng yosi!"

hindi nagsasalita yung foreigner, tuloy lang sa pagwasiwas ng yosi nya sa amin.

mayamaya, may lumapit nang lalaki, sinindihan yung yosi ng dayuhan. di ko na tinignan kung nagbayad pa ba yung foreigner kasi nagbago na din yung kulay ng stoplight, naglakad na ako.

napaisip lang ako, bakit ganun? sigurado kung pilipino yung kailangan ng sindi, hindi ganun yung magiging eksena dun. pabababain yun sigurado, o kaya mahihiya yung pilipino na magpasindi.

at isa pa, BAWAL MAGYOSI SA JEEP diba. so bakit tinotolerate yung ganun? dahil may pangakong pera? ganun na ba yun, mukha na tayong pera?

kahapon lang nanalo si pacquiao, at halos walang tao sa kalye kasi nanonood sa kanilang tv. kada laban ni pacquiao, sikat sa media ang "magkaisa," "suportahan natin ang kababayan." "para sa Pilipino." in short, nationalism.

hindi ba mas mainam na sa araw araw na buhay natin gawin yun at hindi lamang pag may event?

Filipino pride. wag sana tayong gumaya sa mga tao na nagpapadala sa pera o kapangyarihan ng mga dayuhan, nagpapaimpluwensya kahit hindi naiintindihan ang pinakikinggan o ginagawa. wag sana tayong lumuhod para sa mga pera nila, tulad ng ibang tao o pulitiko na mas hanga pa sa mga dayuhan kesa sa katabi nilang pinoy. ano bang kaya nila na wala tayo pwede ipangtapat? kung gugustuhin natin, meron tayong pwedeng gawin.

hindi mo naman kailangan maging kilala para maging patas sa kapwa mo pinoy at sa iba, na hindi yumuyuko basta sa dayuhan.

sana maging tulad tayo nung mamamg nagtitinda ng pinya. may dignidad sa sarili.

Moving On.

November 9th, 2007 by budidey24

Siguro last entry ko na dito sa blog na ito. After more than 50 entries (mostly nonsense) within more than 2 years, tama na hehe.

Salamat sa mga nagbasa, nagcomment, at nagsayang ng oras sa blog na ito. Kung may napulot man kayo o wala, God bless pa din.

Since wala ana din naman nagbabasa nito, let this just be an entry for myself hehe.

Tinignan ko yung laman ng blog ko kanina, almost karamihan pala nailagay ko nung 2nd sem ng year 2006-2007: isang sem na puro frustrations at hirap, na ayan natuloy tuloy sa paglagpak…

toink.

Nung nahirapan kasi ako, naghanap ako ng mga ilang outlet kung saan sasaya naman ako hehe. At dahil dito, nawala yung kinakailangan nating lahat na focus. Focus!

Para

makapagtagumpay naman tayo, imposibleng mangyari yun na walang focus. Maski sabihin mong tyamba yun, kahit anong gawin mo hindi pwedeng wala ka nailagay na kahit papanong effort para marating yun.

And dahil sa kawalan ng focus, ayan, napadalas pala ang pagbablog ko, pagtetext, at kung ano ano pa. After that sem, narealize ko na

mali

pala talga yun. Dapat hindi kasi ako sumuko, sinukuan ko na kasi agad eh, pangit yung naging attitude ko.

Nakakatawa lang, pag iniisip ko ngayon, isa sa mga pinagtuunan ko ng pansin dati nung nahihirapan ako ay boxing. Salamat sa Youtube.com, Rocky Balboa at kay Makunouchi Ippo, ayan, nahilig ako nga ako sa boxing.

Sa sport na wala kang mapapala kung walang sakit ng katawan, laging motto ni Ippo na WAG SUMUKO HANGGAT KAYA. Kahit ilang bese sya masuntok, kahit ilang beses sya bumagsak, kahit gano kalakas yung mga naging kalaban nya, tuloy lang sya sa paglaban. At sa panalo.

WAG SUMUKO HANGGAT KAYA.

WAG SUMUKO HANGGAT KAYA.

WAG SUMUKO HANGGAT KAYA.

Si Ippo lagi ang pinapanood ko nung sem na bumagsak ako, at sa dalas ng panonood ko sa kanya, nakaka-ewan lang na hindi ko man lang na-isaisip at na-iapply yung motto na yun sa pag-aaral.

Instead, anak ng tipaklong, ginusto ko masubukan ang boxing at maging boxingero. Nung summer nakapasok ako sa boxing gym, tinuloy ko irregularly hanggang gitna ng last sem, at lahat ng effort na nilagay ko sana sa pag-aaral nung 2nd sem 2006-2007 ay nilagay ko sa boxing.

After ng maraming pagod, nasubukan at nagustuhan ko na nga talaga ang boxing. Madami ako natutunan at naramdaman hehe, at thankful ako na naramdaman ko yun. Naging mabuting experience yun sakin.

Bukas ititigil ko na ang boxing. Huling ensayo ko na bukas, at after that, siguro after college na lang. Bakit? Kasi kailangan ko na mag-aral. Estudyante ako. Tulad ng lagi ko sinasabi (na nakaka-tanga kasi hindi ko nai-apply dati) KNOW YOUR PRIORITIES.

Alam ko na na proridad ko ang pag-aaral, at hanggat estudyante ako, kailangan kasama iyon lagi sa mga dapat kong iproirodad.

Ngayon, magsisimula na uli ang sem, babalikan ko na uli sila PhCh 121, 126, and 126.1. And i know sa sarili ko, never na uli ako babagsak ng subject dahil sa pagsuko at kapabayaan. Gagawin ko na yung lahat ng makakaya ko, di na magpapadala sa hirap. Dapat keep on moving forward basta kaya! Ibigay lahat!

"The only respect that matters in this damned world is self respect." (Rocky Balboa)

Hindi din mahalaga na gawin ko ito na ang iniisip ko ay yung pagkuha ng tiwala at kumpyansa ng ibang tao. Kung makuha ko yun on the way, e di thank God, pero hindi yun ang dapat na goal ko. Bukod sa success, mas gusto ko maibalik ang kumpyansa ko sa sarili more than almost anything else. Gusto ko bumalik ang confidence ko sa kakayanan ko, and gagawin ko yan san pagbibigay ng buong effort.

after isang summer vacation, isang semester at isang sem break, …boink!

Ayan. Next week, pasukan na. Mula next sem hanggang matapos ang kolehiyo, hinding hindi ko na bibitawan ang mga dapat kong isaisip.

Dapat laging tama yung attitude mo. Kung mahirap man gawin, isipin mo dapat gawin. Hindi pwedeng dahilan yung napakadaming gawain, dapat humanap ka ng paraan at gawin mo. Kasi gawain mo nga yun eh, so kahit pano mo tignan, dapat ikaw ang gumawa nun. Hindi pwedeng umasa na aayos ang lahat kung ikaw mismo walang gagawin tungkol sa gawain mo. Wag sumuko, ayusin ang isip at gawain.

Right attitude: Win or lose, no regrets. Tama tama tama???

KNOW YOUR PRIORITIES

WAG SUMUKO HANGGAT KAYA/ KEEP MOVING FORWARD

Kung lagi ko yan isasa-isip, wala ako dapat i-regret. Kung sakaling dumating ang failure, e di dumating. Basta kung sakaling dumating at ginawa ko lahat, wala akong magiging pagsisisi. At ngayon na wala pa ang failure, hindi ko yun dapat isipin at gagawin ko ang kaya ko para maiwasan yun.

isa rin sa mga importante:

KAPIT KA LANG KAY GOD

Maski gano ka kagaling at katatag, walang mangyayari kung dito ka lang sa mundo nakakapit.

"Nobody in this world can hit you as hard as life. No matter how hard you hit, life is going to keep hitting you until you fall to the ground. It’s not about how hard you hit, it’s about how hard you can get hit. What matters is that you keep moving forward." (Rocky Balboa)

Sabi ni Rocky at ni Ippo, keep moving forward. Yan ang balak kong gawin, at kasama ko dyan ang mga mahal ko sa buhay at ang Diyos ko.

Nakakatuwa na fictitious na mga boxingero ang mga impluwensya ko. Ako naman, magiging “totoong” boxingero ako, at ang buhay ang ring.

I won’t allow myself to get knocked out again. Wala nang sukuan. Knockdown? Tayo lang. Alam ko na na si God yung cornerman ko sa laban ng buhay. Alam ko na na dapat tama ang attitude ko.

KNOW YOUR PRIORITIES. KAPIT KA LANG KAY GOD. KEEP MOVING FORWARD.

pacquiao under fire

October 14th, 2007 by budidey24

sa katoxican ng mga tao ngayon, malamang hindi mabasa itong blog entry na ito. pero since andyan ka at binabasa mo ito, malamang hindi ka toxic. or ngpapanggap na hindi toxic. mapagpanggap ka!

anyway. matagal ko na din hindi pinakialaman tong blog na ito. i guess i’m lucky hindi pa naman sya inaamag. so let’s get started.

MANNY PACQUIAO = MONEY PAKYAW

anak ka ng bisugo manny. masyado nang commercialized si manny pacquiao! wala kaming tv, pero alam ko sandamukal ang advertisement nya. mula sa edibles (ice cream, beer, mcdo) to the semi-edibles (socks, kung saan sa commercial ay kasama pa nya ang kapatid nyang kamuka ni luisito espinosa), sikat na sikat si manny. at san ka pa? talent na din sya ngayon ng gma. galing kasi kumanta eh.

"ekstrem, ekstrem, magek seng…"

at may mga movies pa sya. yung pinakarecent, co-starring ara mina.

(hehe kanina lang nabasa ko sa net na dumadaing si ara tungkol kay manny, hindi raw sya pinagtatanggol ni manny about sa issue nila na may relasyon sila, hindi daw dinedeny ni manny. at ni hindi man daw sya imbitahin ni pacquiao sa mga events nya para mapromote movie nila. aww. poor ara hehe!)

pero teka lang. recently medyo napapasobra ata at napapadalas ang pagkasobra. syempre maiintindihan natin yung celebration kada panalo nya, pero yung mga homecoming na may hero’s welcome?

bakit? saan nya tayo pinagtanggol? kailan pa tayo ginera ng ibang boksingero gamit ang mga kamao nila at naipagtanggol tayo ni pacman?

pero sa mga sundalo natin na nabubuwis ng buhay laban sa mga siraulong terorista ganun ba ang pagsalubong? e sa mga ofw? unfair.

eto pa. ang pagkapromote ni manny as reserve officer sa AFP. kelan pa pwedeng mapromote ang isang wala namang training? unfair talaga. ano gagawin mo sa gyera? susugurin mo lahat ng kalaban tapos isa isa mong bibirahin hanggang makatulog?

and the political ventures! ano tong nadididnig ko na may part two pa ang pagtakbo nya sa election at balak nyang magaral ng law?

uhmm… kung tama ang pagkakaalam ko, syempre bago ang law school, pre-law muna. then yun, law school. then review. then bar exam. so pano, gagawin nya yun lahat? baka by that time hindi na sya sikat. kung ganun itutuloy pa kaya nya?

o idadaan na lang nya sa popularity ang college?

hay.

di ba nya nahahalata na gamit na gamit sya? mula kay PGMA

(na nagpopose pa ng fighting stance para sa pics with manny. such a good image for a president whose position and credibility is in immense scrutiny)

hanggang kay lito atienza

(recently nabasa or nadinig ko na paguwi ni manny dito from barrera part2, kasama nya si lito atienza nang magcomment sya sa mga reporters "nung iba pa yung mayor ng atienza, napapanood pa ako ng libre…" siguro he meant dun sa malaking tv sa may mercury drug sa plaza miranda. anu ba yan. very significant, and kung pambato yun laban kay mayor fred lim, napaka-effective siguro nun, natanggal yung 3 buhok ni lim sa pagkakaayos. effective!)

hanggang sa napakacredible na bayani (remember the holdup incident sa SM Manila?) na si chavit singson.

(close friend daw sila ni manny. congrats manny. according to history, very loyal friend si chavit. watch out hehe)

sabi ni sir esguerra, utak biya ka daw. la ka naman daw kasi talaga ginagawa para makatulong sa bayan at paggamit ka lang ng paggamit, at magpapera, at magpasikat. siguro nga tama sya, as of now.

All that fame and money. congrats naman. pero hanggang ngayon, di pa ko nakakabalita ng any charitable deed na ginagawa o pinaplano mo. ang lam ko lang yung namigay ka ng mga hamburger sa mga bata. pero bukod dun, puro kotse, mansion, at eleksyon lang nadidinig ko. saka yung pangalan mo katabi ng mga pangalan ng mga politiko na running low sa credibility sa paningin ng mga tao. saka pala albums and movies. and ara mina. saka syempre, boxing.

to whom much is given, much is expected. siguro yun lang. sana matulungan mo nga ang bayan since ikaw ang "pambansang kamao" at "bayani" ng pilipinas.

(actually, nakakahiya sa tingin ko kasi tayo, bansa tayo, tapos ang kiniclaim natin na hero ay boxingero. bakit? dahil sa kasikatan na dulot nito? yun ba nagpapatakbo ng bansa natin, prestige? e kung kasikatan lang naman e di sana lahat ng sexy stars natin pinag-audition sa hollywood diba, baka sakaling may makapasok. dikit nya lang yung "PILIPINAS" sa pangalan at projects nya, e di xa na "bayani" natin. wala pang nagagalit sating mexicano)

sana you’d learn to live up to your title, as a "national hero." (wow ha. pacquiao shrine coming up?)

charity and boxing. if you’d stick with those two, feel ko mas ok. mahirap kasi yang ginagawa mo, andami mo pinagsasabay, baka mabitawan mo lahat sa sobrang bigat. maski macho ka pa at may 6-pack. tao ka pa din.

dagdag:

infairness, magaling ka nga talgang boxingero. pero as someone who dreams of fighting in the ring (and i’m sure it’ll forever be a dream), di kita mapiling idol kasi kaliwete ka eh. sa mga nahanap kong boxingerong pilipino na magagaling, si luisito espinosa ang pinakagusto ko since orthodox sya, at magaling. tignan mo sa youtube! yung left hook nya! grabe. so yun, kay king lindol ako hehe.

yun lang! MUHAHAHA!

pag may naisip uli ako na topic o may gusto ako i-express, edi balik lang uli ako dito sa budiblog hehe. ye! hanggang dito na lang muna! God bless!

radioblogclub.com. aus to.

June 16th, 2007 by budidey24

nothing much. i just want to cap off my afternoon with a blog entry.

while most of my blockmates are doing something academic (already? hey i cleaned up my room of all the unnecessay school papers… can that be considered as academic?), i’ve been spending the majority of my wonderful afternoon looking at all the different kinds of bras and panties at the department store. no, i wasn’t looking at them just for no reason at all… well, maybe. due to boredom i guess.

my sister asked me to come with her to the department store because she wanted to buy computer paper and some things she needed for school. instead, we ended up at the ladies’ area, she was searching for this pantilette (tama ba? i don’t know how to spell it, i don’t even know it that’s what it was). exciting!

So while she was searching for that whatever, of course i was stuck in the ladies’ section along with her. since i don’t have my cellphone (i’ve been stripped of my phone for almost a week now. it sucks, i can’t contact anybody when i’m away and i can’t be contacted either. makes me miss someone very special too <OL sya ngaun! yey!>. daddy! sauli mo na kasi! anak naman ng… oh well.), i definitely had nothing to do. as much as i would have wanted to to just leave her there, it would be difficulf to find her again, and i can’t contact her because i dont have a phone. so what am i to do?

well, i can say that the ladies’ section was quite interesting. after browsing through the maternity section (i told my sister to get her dress here since she might have a better chance of finding something her size her. i got a very nice GAGO! in return), i ended up in the underwear section. well, looking at women’s underwear was quite wierd, especially when you look around and you find out that you’re the only guy in that area.

so i browsed from bras to panties to bras… (shet parang ampangit haha… why the hell am i telling you this???) i was surprised to see some panties which definitely lacks threads. or maybe, its more threads than cloth. grabe. does anyone really wear omething like that? maybe, for seductive purposes?… ngiks… a g-string would cover you better than that panty… ewan ko ba. the bras were ok naman i guess, nothing from the unexpected.

grabe. bakit ba ako nagsheshare tungkol dun. e ang nangyari lang naman nabwisit lang ako kasi antagal ko nakatayo dun, otistik si ate antagal tagal mamili! pati si mama ganun! lahat ba ng babae ganun???? waaaaaaaaaah!!!!!!!

hay nako, wala na akong mailagay na ending hehe

beh!

komentaryo lang

May 13th, 2007 by budidey24

wala lang, nais ko lang magcomment hehe

wala na talaga akong mailagay na matino sa blog na ito, buti pa dati medyo may laman pa sila hehe

anyway!

kasi napanood ko lang yung video ng typecast, yung sa boston drama.

anak ng tungaw.

niloloko nila ang mga tao at ang sarili nila, makakapagplay ka talaga ng kanta (or that particular song) ng ganun ha?

ang nagustuhan ko lang eh yung sa bandang medyo uli, yung nagtatumbling yung drummer hehe gusto ko matutunan yun!

o well, wala lang, yun lang… halata bang bored ako… hehe

last week na ng training!

basketball, music, boxing…

April 30th, 2007 by budidey24

hay mavs

tinalo na naman kayo!…

nakakalungkot naman… ito na sana yung championship year nyo…

pero ayos lang yan! may pagasa pa! dalhin nyo hanggang game 7 at ipanalo nyo lhat! oo, i believe! waaah!

since 2nd year hs pa ata ako fan nyo, i hope you get it done. pero kung sakaling hindi nyo magawa, ok lang dito pa din ako! haha! mavs rule!

para mas gumaling defense nyo, na talagang nonexistent, baka pwede nyo itrade si stackhouse at buckner sa utah for kirilenko. maski isama nyo pa si croshere. baka pumayag utah diba hehe.

si stackhouse kasi di na consistent pumuntos eh hay nako. di na naman nakakalock down si buckner. at di ko pa nkita magamit si croshere ever haha.

hay. basta go mavs!!!

——————–

hehe madalas ko na naisip to eh.

ako lang ba ang nakakapansin na ang callalily ay parang hale jr.?

di din naman makabirit si kean, parang champ. tapos di din naman ganun kagandahan yung music. di din ata nila aya magdala ng masayang tugtog na masaya talaga yung kalalabasan.

yun lng hehe!

at, naaawa nga pala ako sa typecast, sana hindi na sila nagvideo hehe. di naman sa hindi sila talented (although hindi naman talaga ako fan, unti lng siguro), pero ang papayat nila sa video eh hahay. tapo si steve parang ewan. parang kulang sila sa nourishment hehe. hay.

——————–

kahapon nga pala tinopak yung trainer ko.

nagtetraining ako kahapon sa mitts tapos biglang dumating yung tatlong koreano. kala ko jinojoke lang ako na sparring, tinutuo ng trainer ko!

shet!

eh experienced na yung pinalaban sakin! bukod dun mas malaki ang katawan at mas matangkad, syempre mas mahaba yung reach (imagine mas maliit lang ng konti kay rectoguy, tpos yung katawan parang average ni recto at chinoi, tapos singkit kamukha ni chinoi hehe. definitely wala kami sa same weightclass!).

pero tingin ko bata pa ata xa. pero yung nga lang, mas experienced. mabait din naman xa.

o diba! first time ever ko nakipagsuntukan sa talang buhay ko, koreano pa! ahahahaha!

so yun, sparring. ayon sa dictionary.com (i just looked it up hehe), ang spar ay "(of boxers) to make the motions of attack and defense with the arms and fists, esp. as a part of training." sabi ko naman, ang spar ay parang isang unofficial match lang, may pwersa pa din, parang totoong laban. yun nga lang, hindi official. saka, supposedly dapat may headgear at moutchpiece, pero di na kami pinagamit. xempre may gloves hehe. so yun.

2 rounds lang naman. time!

wapak! wapak! wapak! …ouch.

dahil sa mas matangkad xa, malamang puro sa ulo ang hits ko hehe.

hay. watanexperience hehe! dahil dun, madami akong natutunan!

1) iba talaga ang totoo kumpara sa theory lang!

(kung akala mo ganun kadali pag pinanonood mo lang, iba talaga sa laban! iba yung dapat na tapang na taglay mo, at iba talga yung sakit na iniimagine mo lang sa talgang nafifeel mo na! di mo alam kung san manggaling yung suntok dahil nauunahan ka ng kaba)

2) wag matakot sa suntok at masuntok! parang sa buhay lang yan! wag matakot masaktan at magtake ng risks!

(sa totoo lang natakot kasi ako sumuntok, bukod sa takot akong masuntok, kasi pag sumuntok ka maoopen ka ng splitsecond, pwede ka masuntok nun. nangyari nga to sakin kaya di ko makalimutan hehe, nacounter ako na textbook na textbook yung pagkakagawa, ayos na ayos. sumuntok ako ng kanan, nailagan nya, sabay bitaw naman nya ng sarili nyang kanan. sapul na sapul ako sa mukha napaurong ako eh hehe. saka yun nga dapat di ako matakot sa suntok! kasi pag sumusuntok na xa iniiwas ko yung tingin ko pag malapit na kaya di ko din mailagan. dapat di ako matakot para matignan ko yung suntok para mailagan ko, then counter! hehe hay parang andaling gawin no.)

3) tapang pa! dapat nga wag matakot para maging mas aggresive! wag maging passive, pero at the same time di naman ibig sabihin maging reckless hehe. suicide yun.

4) sipag at tyaga pa! train pa, train train train train! always try to exceed your limit! para sakin, kelangan ko pa ng speed speed speed! saka stamin at tapang!

kasi kahit sino makalaban mo basta may tapang ka kahit gano kasakit ok lang! hmmm dapat gayahin si idol ippo! weeeeh!

hehe kung ijajudge ko yung laban, talo ako by points, kasi di naman ako napabagsak. basta yun, talo ako hehe.

ok lang, alam ko na yung mga dapat iadjust ko. di ko pa ineexpect na manalo, pero gusto ko ng maayos na laban na masasatisfy ako. dapat makalaban ng ayos hehe. kaya dapat, tapang pa, sipag at tyaga! at tapang. TAPANG!!!

5) ang boxing ay parang buhay natin hehe!

o kahit anong sport. di naman laging kaw panalo, laging may sakit, di mo maeexpect kung san manggagaling yun suntok, masakit pag tinamaan ka, pero you just have to try again and again and never give up. gagawa ka din ng mga desisyon, kung straight ba, hook, jab, uppercut, or block, o evade. pwedeng tumama ka sa desisyon mo, pwede ka rin magkamali at ikaw yung masaktan. pero atleast natuto ka. wag susuko! magsikap lang tayo sa buhay, at masasatisfy din tayo. we dont have to necessarily win on each try, but we can be satisfied. bsta ba we just do our best.

and every round, nagulpi ka man o hindi, nanjan yung corner seconds mo na laging anjan nakabantay sayo, aalagaan ka, bibigyan ng payo para sa next round ng laban. parang every round ay pagsubok. every laban ay panibagong chapter ng buhay. yung second mo, parang si God. nanjan Siya lagi nakabantay at handang tumulong. bumagsak ka man at matalo sa laban, mainjure o manalo, najan xa lagi para sayo. papalakasin ka pa at aayusin, para sa mga susunod na laban. u see, wala naman hinangad ang second kundi kabutihan ng boxer nya. parang si God. lahat tayo boxingero Nya na lumalaban sa trial ng buhay hehe.

o diba hehe. ewan, bast yun ang tingin ko. or nakalog nga lang ba ang utak ko dahil sa suntok kahapon? di namna ata hehe. pero ramdam ko pa rin yung sakit ng couner sa pisngi ko hehe. owell.

haha yun lang, natripan ko lang magshare. God bless! :)

KABAYONG BUGHAW!

April 27th, 2007 by budidey24

hay mavs

one word. bwisit… and disappointment.

…ok, so two pala yun. sige kung isasama yung ‘and’, three.

ano na nangyari sa mavs!

i was watching game three of the mavs-warriors series, at sa fourth quarter pa lang sandamukal na ang tinambak sa mavs. almost 20!

anong nangyari!

first time ko ata ever nanood ng laban ng mavs na hndi ko tinapos! kakalungkot masyado! kakadisappoint! bakit ganun! bakit!

antagal kong inintay makapanood ng laro ng mavs asi wala naman kami tv, tapos ito ngang makakapanood ako ganan pa mangyayari! anak ng tungaw!

hay! dapat bumawi kayo sa game 4! ipanalo nyo ang series na yan! kainis kayo! GO MAVS!!!!!!!!!

haha wala lang, share ko lang. kainis eh!

hala! ika50 na pla to!

April 9th, 2007 by budidey24

hay
sa buhay, you’ll get hit
always
sometimes you get hit even with you not being able to throw even a single shot back
you’ll get hit, hit, and hit
of course, you can always do your best and try to hit back
try to get that advantage, try to succeed
you give all your guts and effort in doing so
train train train train
but still, you get hit. and hit, and hit. even if you continue in doing your best.
hits to heart, to the head, to the spirit.
when you can take it anymore, naturally, you go down. down on the canvas.
down on your knees, face flat on the canvas, it doesn’t matter. is still a down.
even if you did try your best, you went down.
what matters now is if you get up. if you still want to get up and fight.
body spirit and mind weary, its still your choice to continue. are you hungry enough?
youve trained so hard for this, are you going to let it all end?
with weary knees and a heavy heart, you get back up and continue to fight. why? coz the spirits still there
however
just as you are to try to put in all your remaining strength for one last shot, you get hit again. hard.
and down you go. unable to continue.
end of the fight.
tapos na yung laban, natalo ka.
wala ka nang chance para lumaban pa, tapos na ang laban eh.
pero pwede pa naman lumaban uli. maski natalo ka, bumagsak ka, pwede ka pa naman lumaban uli.
choice mo na lang yun, kaya mo pa ba? gusto mo pa ba?
pag natalo ka, tandaan mo na lang yung mga dahilan kung bakit ka ba lumalaban para di ka mapanghinaan ng loob. tumayo ka. lumaban uli. go boy.
ibang time, pero same enemy, same ring.
paghandaan mo na lang. train harder. try harder. your best was not enough the last time, so maybe youve got to try to improve your best. best mo lang naman yun at that time eh, iba na ngayon. go and make yourself better.
at pag dumating na yung time na yun, lumalaban  ka uli, it doesnt matter kung gano karami ka pang tama or gano karami ang itinama mo. just make sure you win. because you want to win. you need to win. dont expect for it to go smoothly.
basta, win.
win.
win.
wag sumuko hehe

(waw ang ewan nasusuka ako sa entry na to hehe. pero totoo, kung bumagsak ka man at natalo, wag susuko at mawalan ng loob. there’s always another chance. paghandaan mo n lang. seize the moment. God is with you. kung bakit ka bumagsak sa laban, may dahilan Xa dun. lesson siguro, sadyang di pa right time, whatever. pero Sya ang bahala dun, may dahilan Siya. kaya go! pag bumagsak, dont be afraid to return to the ring. continue fighting)

God aint finished with you yet. -Max Lucado (text ni ching)

realization at 2 am…

March 16th, 2007 by budidey24

arg!

so pangit ang sem na to.

…hindi, napakapangit hehe.

so siguro may pagkukulang ako. pero siguro wala. kasalanan ko ba kung kulang ako sa talino? hehe hindi naman siguro kasalanan yun… pero totoo. siguro nga kulang talga ako dun. can’t keep up hehe.

pero, ngayon ko lang uli narealize na with everything said and done, kahit anong mangyari, attitude mo pa din ang magdedefine sa mga nangyayari sa mga bagay sa paligid. bumagsak man ako ng subject/s this sem, nasa sakin na naman yun kung tingin ko dun napakamalas and end of the world na. pero pwede rin naman na tignan ko sya as isang malaking trial na nakapagpadapa sakin, nakasugat, pwedeng nakabali pa ng buto, pero di namna ibg sabihin nun yun na ang pipigil sakin. siguro dahil sa pagkakadapa na yun, tinuturuan ako na siguro, kelangan ko pa tumalon ng mas mataas, tumakbo ng mas malayo… magsikap pa. magtyaga. manalig.

siguro sadyang kulang yung effort na binigay ko this sem. (although grabe yung binigay ko. i guess it wasnt enough kung gayon hehe. anyway, it may bring me down, but definitely im not staying down) at siguro nga, may kapabayaan din ako. pero sa totoo lang talga, eto na yung sem na siguro pinakasinipagan ko. masyado lang ata tlga para sakin. nung nakita kong walang binunga lahat, nawalan ako ng loob… lately lang uli ako natauhan dahil sa isang libro. nagkulang na din kasi pala ako sa pagkapit. siguro kaya naging mahina ako sa lahat.

sorry po… naiintindihan ko na…

at ikaw na bumabasa nito, wag ka gagaya sakin ha, lumuwang kapit ko eh… kapit ka lang sa Kanya

bawat araw naman puno ng mga aral ng buhay. mnsan lang talga hindi natin napapansin yun kasi madalas masyado tayo nakafocus sa kung ano ano, madalas negative. (cheri kung binabasa mo to, di naman kasi ako nega talga na tao! baliw! hehe)

so i’ll be extending my stay at the college of pharmacy for a year more. sana hanggang dun na lang, pero who knows? si God lang… basta continue lang siguro ako sa paggawa ng best ko. if its not enough, then… wala akong magagawa but to be better.

sadya lang atang andaming distractions this sem. mga gulo, kabwisitan, frustrations… sa studies, sa tao, sa pangyayari… madami. pero im not pointing fingers. di naman nila kasalanan kung di ko sila kinaya. bumagsak ako sa bigat nila, pero hindi naman sila yung pumutol sa paa ko ah. sadyang mahina pa lang siguro ako for them. tleast ngayoon, feel ko naman mas malakas na ko. although di pa nakakatayo ng ayos, better na naman.

basta. ngayon lam ko na kung san kukuha ng strength. at mas importante, lam ko na yung mga pagkakamali ko. hopefully di na ko malulong uli dun. katangahan kasi. dapat kapit lang.

a flat tire or broken sail doesnt translate to an ended journey. may bukas pa lagi para sa ating lahat. you just have to keep walking and believing. :)

isang buwan na lang..

February 25th, 2007 by budidey24

yeeesh.

antagal ng bakasyon.

gustong gusto ko na matapos tong sem na to. as in parang nakapatay na utak ko, wala na ko gusto kundi pumasa na lang (na sos maryosep kahirap pa).

ewan ko ba.

sa bakasyon, mga gusto kong gawin:

driving

improve my health (hell pumasok ako ng college 144lbs, ngayon 126lbs… sakitin pa, di makakilos ng ayos… bwiset. nanghihina sa skul, wala din naman napapalang matino sa grade grabe.)

im sure na lalagpak ako sa atleast isang subject. no, di ako pessimistic, realistic lang.

hay. antagal, gusto ko na talga magbakasyon. kelangan ko ng matagal tagaaaaaaal na detox.